-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Normal na mababa ang tourist arrivals tuwing buwan ng Setyembre sa Isla ng Boracay.

Ayon kay Elena Tosco Brugger, Advisory Council Chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-Boracay na maituturing na low season ang naturang buwan.

Ilan pa aniya sa mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng naitalang turista ang pagbawas sa international flight mula South Korea na mula sa dating tatlong beses sa isang araw ay naging isang beses na lamang ngayon.

Maliban dito, naka-apekto rin ang paghina ng ekonomiya ng bansa at galaw ng inflation.

Samantala, inaasahang sa ikatlong linggo ng Oktubre ay muling tataas ang tourist arrivals dahil sa pagbalik ng mga face to face na events lalo na ang sikat na October fest.

Maaring sa susunod na taon ay magkakaroon ng international flight mula sa Taipei.

Noong buwan ng Setyembre nakapagtala ng 122,373 na tourist arrivals kung saan ang domestic visitors ay umabot sa 106,776 habang ang mga foreigners ay nakarehistro ng 12,513 arrivals at 3,084 ang OFWs/OFs.