-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 4 milyon na turista ang bumisita sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroong 4,005,465 na ang naitala nilang turista mula Enero hanggang Setyembre 29, 2023.
Sa nasabing bilang ay nagbigay ito ng mahigit na P316 bilyon na kita sa ekonomiya.
Karamihan sa mga arrivals ay mga dayuhan na binubuo ng 91.58 percent nito habang mayroong 8.42 percent ang mga overseas Filipinos.
Nanguna ang South Korean na bumisita sa bansa na sinundan ng US at Japan naman ang nasa pangatlong puwesto.
Naniniwala naman ang kalihim na tataas pa ang bilang ng turismo lalo na at papalapit na ang pagdiriwang ng Pasko sa bansa.