-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism (DoT) sa Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng ayuda ang mga nasa tourism sector na naapektuhan ng dalawang linggo nang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat, ang mga nasa sektor ng turismo ay hindi maaaring maging work from home, partikular na ang drivers, hotel workers at tour guides.

Target ng ahensya na makapaglaan ng P5,000 ayuda o depende sa kakayanin ng pondo para sa naturang sektor.

Habang tumatagal, mas malaki umano ang nawawala sa turism industry, kaya’t walang ibang maaasahan ang mga mangagagawang apektado, kundi ang financial assistance ng pamahalaan.