Tiwala si Tourism Secretary Christina Frasco na muling babalik ang sigla ng turismo ng bansa matapos ang naranasang Covid-19 pandemic.
Sa kaniyang mensahe sa selebrasyon ng World Tourism Day 2022 na may temang “Rethinking Tourism” naka-focus ito sa pagbangon sa sektor ng turismo.
Positibo siya na makakabawi ang bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa sa kabila ng pandemya at iba’t ibang kalamidad na tumama sa bansa.
Idinagdag pa ng kalihim na si President Ferdinand Marcos Jr ang pinaka-best na ambassador ng Philippine Tourism na magrerepresenta ng Pilipinas sa mundo.
Ang World Tourism Day ay ipinagdiriwang bilang pagkilala sa turismo na isang mahalagang haligi para sa pag-unlad.
Nilalayon ng tema ngayon na magbigay ng inspirasyon tungkol sa muling pag-iisip ng turismo para sa pag-unlad, kabilang ang sa pamamagitan ng edukasyon at mga trabaho, at ang epekto ng turismo sa planeta at mga pagkakataong magpapatuloy ang paglago nito.