-- Advertisements --
frasco

Sa likod ng kontrobersyal na Tourism slogan na inilabas kamakailan, tumanggap pa rin ng papuri ang Kagawaran ng Turismo mula sa ilang mga mambabatas,

Isa dito si Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco, Jr.

Ayon sa kongresista, napakaraming mga nagawa ang kagawaran simula naupo bilang kalihim si Sec. Frasco, at nagawang maipasok ang Turismo sa economic recovery at development.

Bilang patunay, ginamit ng kongresista ang 2.65 million international visitors noong 2022.

Mas mataas ito aniya, kumpara sa 1.7Million na target para sa nasabing taon.

Habang ngayong 2023 pa lamang ay umaabot na sa 2.029Million visitors ang naitatala ng kagawaran, habang nasa kalagitnaan pa lamang ang taon.

Inihalimbawa din ng kongresista ang mag tourist arrivals sa Boracay kung saan umabot na sa 1,040,847 ang bumisita. 816,426 dito ay mga domestic tourists habang 199,098 ang mga foreign tourists.

Ayon sa Kongresista, nakalaan pa rin ang kanyang confidence sa kakayahan ni Secretary Frasco, dahil sa nagawa nila ang mga ito, sa kabila ng katotohanang kagagaling lamang ng Pilipinas at ng buong mundo sa pandemya.