-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Cristina Frasco ang diving activity sa Puerto Galera para ipakita na hindi ito apektado sa naganap na oil spill ng MT Princess Empire na lumubog sa Oriental Mindoro.

Ang kalihim na siya rin ang chairman of the Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD) ay sinamahan ng ilang opisyal ng lugar gaya nina Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan at ilan pa para tiyakin na ligtas ang katubigan ng Puerto Galera.

Ang Puerto Galera kasi ay sikat sa scuba diving spots na dinadayo ng mga dayuhan para makita ang iba’t-ibang lamang dagat.

Nakasalalay sa turismo ang ekonomiya ng Puerto Galera kaya mas pinapaigting ng mga opisyal doon ang pagsusulong para dumami pa ang mga turista na dumalaw sa lugar.

Mula noong unang linggo ng Abril ay nakapagtala ang lugar ng halos 18,000 na mga local tourist ang nagtungo sa lugar.