-- Advertisements --
uae1

KORONADAL CITY – Nangangamba ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) na posibleng isailalim sa total lockdown ang bansa kapag natapos ang pagdiriwang ng Ramadan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Theresa Sajonia Zaldivar, isang OFW sa nasabing bansa at tubong-Banga, South Cotabato, nangangamba sila na mas pahihigpitin pa ang ipinapatupad na seguridad at mga patakaran dahil sa COVID-19 crisis.

Dagdag nito na hindi operational ang mga government agencies at limitado lamang ang working hours ng mga supermarket upang makapamili ang mga tao ng kanilang pangangailangan.

At dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, nananatili na lamang silang mga OFWs sa loob ng bahay upang hindi madapuan ng sakit.