-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 102 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang araw.

Dahil dito, umabot na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmado nagkasakit sa 7,294.

Ang mga nasawi naman ay umakyat na sa 494, makaraang madagdagan ng 17 bagong fatalities.

Masaya namang ibinalita ng Department of Health (DoH) na may 30 pang gumaling sa nakalipas na araw para tumaas ang bilang ng recovered patients sa 792.