-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nananawagan ang isang agricultural group sa pamahalaan na magpatupad na ng mahigpit na quarantine operation sa lahat ng entry at exit points ng bansa kaugnay ng binabantayang African Swine fever (ASF).

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Engr. Rosendo So, na hindi matatapos ang kaso ng ASF sa bansa kung hindi paiigtingin ng pamahalaan ang pagbabantay sa mga entry points nito kung saan idinadaan ang frozen meat products mula sa ibang bansa.

Bukod sa monitoring, dapat din umanong ikonsidera ng gobyerno ang total ban sa importation ng mga produkto kahit pa galing ito sa mga estadong hindi ASF-affected.

Sinang-ayunan naman ni So ang paalala ng Department of Agriculture na hindi mapanganib sa kalusugan ng tao ang karneng may ASF, pero ikinabahala nito ang posibleng malala pang epekto sa industriya ng mga magbabababoy ng sakit.