Arestado ang isang lider ng CPP-NPA sa Brgy. Sta quiteria, Caloocan City.

Sa report ng CIDG NCR, kinilala ilang nasabing lider na si Ferdinand Castillo na siyang secretary general ng Metro Manila regional party committee ng CPP-NPA.

Alas-4:20 kahapon ng hapon nang mahuli si Castillo makaraang magsilbi ng warrant of arrest ang CIDG-NCR at intelligence service group ng Philippine Army para sa mga kasong Double Murder at Multiple Attempted Murder laban sa akusado.

Nakumpiska mula kay Castillo ang isang cal 45 pistol na may 5 bala at samut saring IDs.

Dagdag na kasong paglabag sa republic act 105919 ang isasampa laban kay Castillo o comprehensive firearms and ammunition regulation act.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here