-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Halos hindi makapaniwala na mapasama sa top 10 ang isang graduate ng Saint Luis University mula sa bayan ng Rosales sa katatapos na 2022 nursing licensure examination.

Ayon kay Patrick John Formoso, top 9 sa nursing licensure exam, akala niya ay panaginip ang lahat hanggang sa paggising ay nabasa niya sa kanilang GC na may resulta na ng exam. Kasunod nito ay sunod sunod na aniya ang bumabati sa kanya kaya naman sobrang saya niya.

Saad nito, natutuwa siya hindi pang para sa sdarili kundi para sa buo niyang pamilya dahil napasaya din ang mga ito.

Aniya, ipinagdasal niya na siya ay makakapasa at hindi niya inexpect na makasama siya sa top 10.

Nabatid na apat na buwan siyang nagrevew sa review center. gaya ng ibang studyante, nakaramdam siya ng kaba habang papalapit ang pagsusulit.

Payo niya sa iba na kukuha pa lang ng exam sa susunod na pagsusulit ay magpokus lang sa pag aaral at kung nakakaramdam ng panghihina ng loob ay tanungin ang sarili kung bakit mo ito ginagawa.