Nahuli ng San Fabian PNP ang Top 6 Most Wanted Personality sa kanilang bayan.
Ayon kay PLt. Mark Carlo Estepan- Intel/ investigation Officer San Fabian PNP, ang naturang suspek ay kinilalang si Rodulfo Pajarillo, 43 taong gulang, isang helper na residente ng barangay Lubong sa bayan ng Umingan.
Aniya, ang nasasakdal ay naiuugnay sa kasong may kinalaman sa Lascivious conduct under sec 5(B) ng Article III ng RA 7610 na may multang 200,000 pesos.
Si Pajarillo ay inireklamo ng mga magulang ng 15 taong gulang na binatilyo na kanyang pinagsamantalahan sa loob ng sasakyan nang magsagawa ang kanilang pamilya ng outing sa naturang bayan.
Sa kanilang imbestigasyon, pinasok umano ng suspek ang biktima na natutulog sa sasakyan. Natakot umano ang biktima at hindi agad na nakapagsumbong sa kanyang mga magulang.
Nangyari ang insidente noong Pebrero at matagal na nagtago ang suspek hanggang sa ito ay nadakip ng San Fabian PNP ngayong linggo matapos silang makatanggap ng tip sa pamilya ng biktima at sa mga concern citizens sa kinaroroonan ng suspek.