CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang kriminal nang manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Toni Palti nahaharap sa kasong carnapping with homicide at residente ng Purok Mansanilla Brgy Poblacion Matalam North Cotabato.

Ayon kay Matalam Chief of Police Major Joseph Brian Placer na ni-raid nila ang tahanan ng suspek katuwang ang Cotabato Police Public Safety Company at militar.

Nanlaban si Palti na bumunot ng armas kaya inunahan na ito ng mga pulis.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang suspek kaya agad itong binawian ng buhay.

-- Advertisement --

Narekober sa posisyon ni Palti ang isang .38 revolver at mga bala.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang pangyayari.