Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority na umabot sa sampung truck ang napuno ng mga hinakot na basura na iniwan sa kasagsagan ng paggunita sa Undas.
Batay sa datus ng Metro Parkway Clearing Group, ito ay katumbas ng 33.83 metric tons ng mga basura.
Ang mga naturang basura ay iniwan ng mga bumisita sa 27 na sementeryo sa ibat ibang bahagi ng metro Manila mula Oktobre-26 hanggang Nobiembre-2 ng tangong kasalukuyan.
Ito ay malayong mas mataas kumpara sa 24.2 metriko tonelada ng basura na nakulekta noong nakalipas na paggunita ng Undas.
Kinabibilangan ito ng mga sementeryo ng La Loma, Golden Heaven Cemetery, St. Joseph Cemetery, Manila South Cemetery, Tugatog Cemetery, Mandaluyong Cemetery, San Felipe Neri Catholic Cemetery, North Cemetery, atbp.
Ang mga nahakot na basura ay kaiba pa sa mga nauna na ring inulat ng ibat ibang mga LGUs na naghakot din ng basura sa kani-kanilang mga sementeryo.