-- Advertisements --
Pormal ng naghiwalay ang football star na si Tom Brady at asawang model na si Gisele Bündchen.
Ito ay matapos na na maisapinal ng dalawa ang kanilang divorce papers sa Florida.
Mismong si Bundchen ang naghain ng divorce kung saan hindi na rin kinuwestiyon o kinontra ng NFL superstar.
Isinasapinal na ng abogado ng dalawang panig ang settlement ng kanilang paghihiwalay.
Dito ay malalaman ang hatian ng kanilang mga pag-aari ganun din ang kustodiya ng kanilang mga anak na sina Benjamin at Vivian.
Ayon kay Brady na kapwa nilang napagpasyahan ang paghihiwalay matapos ang 13 taon na pagsasama.
Tinatayang mayroong $330 milyon ang kabuuang yaman ni Tom habang ang asawa nito ay mayroong $400-M.