-- Advertisements --

ILOILO CITY – Handang-handa na ang Filipino boxer na taga-Janiuay, Iloilo, para sa Tokyo Olympics sa darating na Hulyo 23.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Irish Magno, sinabi nito na sa ngayon ay todo pa rin ang kanilang ensayo sa kanilang training camp sa Thailand kasama ang mga Thai boxers na sasabak din sa Olympics.

Ngunit ayon kay Magno, nangangamba sila na hindi pa rin sila nababakunahan kontra sa Coronavirus Disease (COVID) kompara sa kasamahan nilang Thai boxers na naturukan na ng nasabing bakuna.

Nakikipag-ugnayan naman ang kanilang asosasyon sa team ng Thailand na kung maaari ay ang pamahalaan ng Thailand na lamang ang magbigay ng bakuna sa kanila sa halip na umuwi pa ang mga ito sa Pilipinas para lang magpaturok.

Napag-alaman na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon na i-prioritize o unahin sa vaccination roll out ang mga atleta, coach, at iba pang mga delegado sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.