Kanselado na ngayon ang nakatakda sanang boxing qualifying tournament para sa 2020 Tokyo Olympics dahil pa rin sa pagkalat ng bagong coronavirus.

Ayon sa mga organizers, napagpasyahan din na huwag nang idaos ang torneyo sa Wuhan sa central China upang maprotektahan ang kalusugan ng mga kalahok.

Maaalalang ang nasabing siyudad ang siyang pinagmulan ng naturang virus, na nagdudulot ng sintomas na kahalintulad ng sa pneumonia.

Iaanunsyo naman ng International Olympic Committee ang bagong competition host at schedule sa oras na magkaroon na ng desisyon.