LAOAG CITY – Ikinalungkot ng isang grupo ng mga magsasaka ang hindi pag-apruba sa kanilang hiling na P7 na dagdag sa presyo ng produktong tabacco.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni STOP-Exploitation secretary general Zaldy Alpiler, na tila nasayang ang kanilang pagdalo sa Regular Tripartite Conference ng National Tobacco Administration (NTA) dahil hindi rin pinakinggan ang kanilang panawagan.

Nais sana ng grupo na madagdagan ng P7 ang P82-floo price ng tabacco dahil sa naggiging gastos nila sa pagtatanim nito.

Pero nanindigan daw ang trainig centers na P1 lang ang kanilang idadagdag sa presyo.

Sa ngayon pag-aaralan pa raw ng naturang trading centers ang hiling ng mga magsasaka.