-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’ Cup ang TNT Tropang Giga matapos talunin nil aang NLEX 118-112.

Bumida sa panalo ng Tropang Giga si Bol Bol na nagtala ng 35 points, 13 rebound at dalawang blocks habang mayroong 21 points at anim na rebounds si RR Pogoy sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Kasama na ang TNT Tropang 5G na nasa number 8 seed na nagwagi sa quarterfinals.
Kinabibilangan ito ng Barangay Ginebra, San Miguel Beermen, Powerade at NorthPort.

Itinuturing naman ni TNT coach Chot Reyes na isang kasabikan at hindi pressure ang pagpasok nila sa semifinals.

Nasayang naman ang nagawang 45 points at 15 rebounds ni Cady Lalanne para sa Road Warriors.