TNT KATROPA
TNT/ PBA IMAGE

Nakuha ng TNT KaTropa ang unang panalo sa best-of-five semifinals nila ng Meralco Bolts 103-94.

Bumida sa panalo ng TNT si KJ McDaniels na nagtala ng 38 points.

Nag-ambag namang 18 points si RR Pogoy samantalang 17 points si Jayson Castro.

Mula sa simula ng laro ay hawak na ng TNT ang kalamangan at hindi na ito hinayaan pa na makalamang ang Bolts.

Bagamat panalo ay hindi pa masyadong nagdiriwang si TNT coach Bong Ravena dahil unang panalo lamang at may apat pang larong natitira.