-- Advertisements --
Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Hotsshots 108-96 para makuha ang unang panalo sa best of seven semifinalng ng PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams na nagtala ng 26 points habang mayroong 23 points si Roger Pogoy at 17 points naman ang naitala ni Glenn Khobunton.
Mula sa simula ay hawak ng TNT ang kalamangan kung saan umabot pa sa 24 points ang lamang nila.
Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na isang panalo lamang ito ay mahaba pa ang kanilang paglakbay para maabot ang finals.