-- Advertisements --
TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Nakuha ng TNT KaTropa ang unang panalo sa kanilang semifinals games kontra Barangay Ginebra 95-92 sa PBA Commissioner’s Cup.

Ipinamalas ni TNT import Terrence Jones ang kaniyang NBA experiencem matapos magtala ito ng 24 points at 12 rebounds habang mayroong ding 24 points at 10 rebounds si Troy Rosario.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena na naging matagumpay ang ginawa nilang depensa kontra Ginebra.

Nasayang naman ang 23 points, 15 rebounds at nine assists si Justin Brownlee habang mayroong tig-18 points sina LA Tenorio at Stanley Pringle ng Ginebra.