-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Talk ‘N Text Tropang Giga para makuha ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup finals.

Ito ay matapos na talunin ang Barangay Ginebra 104-95 sa kanilang Game 5 at makuha ang 3-2 na kalamangan sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng TNT si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 32 points, 16 rebounds at 10 assists.

Habang mayroong 20 points si Calvin Oftana at 15 points naman ang naitala ni Mikey Williams.

Nagigng masaklap naman sa panig ng Ginebra dahil napilitang lumabas sa court si Justin Brownlee dahil sa food poisoning.

Nasayang naman ang nagawang 29 points, 13 rebounds at apat na assists ni Christian Standhardinger.