-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos talunin nila ang Magnolia Hotshots Timplados 102-84 at makuha ang 3-1 na bentahe sa best of seven semifinals.

Nanguna sa panalo ng TNT si Poy Erram na nagtala ng 19 points at 13 rebounds habang mayroong 18 points si Roger Pogoy at tig-15 points naman ang naitala nina Troy Rosario at Mikey Williams.

Sinabi naman ni TNT coach Chot Reyes na naging epektibo ang ginawa nilang depensa laban sa mga malalaking manlalaro ng Magnolia.