-- Advertisements --

Tinalo ng TNT Tropang GIGA ang NLEX 113-97 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Umabot pa sa 22 points ang hinabol ng TNT para tuluyang talunin ang NLEX sa laro na ginanap sa Philsports Arena.

Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 33 points at 15 rebounds habang mayroong 29 points ang naitala ni Calvin Oftana.

Sa unang dalawang quarter ng laro ay naging agresibo ang NLEX kung saan lumamang sila ng hanggang 22 points.

Ito rin ang unang laro ni Robert Bolick sa NLEX matapos ang paglipat nito mula sa NorthPort.

Inamin ni TNT coach Jojo Lastimosa na bahagya silang nahirapan sa first half hanggang naisipan niyang mag-regroup at doon nila tuluyang nalamangan ang NLEX.