-- Advertisements --
Binaligtad ng TNT Tropang Giga ang 23-points na kalamangan ng Phoenix para makuha ang panalo 108-101 sa nagpapatuloy na 48th PBA Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagtulungan sina Roger Pogoy, Calvin Oftana, Kelly Williams at Kim Aurin para mahabol ang 42-62 na kalamangan ng Phoenix sa halftime.
Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at apat na talo ang TNT habang ang Phoenix ay mayroong tatlong panalo at anim na talo.
Nagtala ng 23 point at walong rebounds si Pogoy, habang mayroong 19 points at siyam na rebounds naman si Oftana at 17 points at 13 rebounds si Williams.
Ayon kay TNT coach Chot Reyes na nakita niya ang pagpursige ng mga manlalaro dahil hindi siya bumitaw sa halftime kahit malaki ang kalamangan ng Phoenix.