-- Advertisements --

Nais ni outgoing Senate President Tito Sotto na bumalik sa kanyang dating hilig sa musika kasunod ng pagtatapos ng kanyang termino sa Senado.

Ayon kay Sotto, magkakaroon na raw siya ng panahon na muling itayo ang kanyang recording studio bilang sa isa pinaka-best sa Asya.

Dati na raw siyang may ganito pero sa pagkakataong ito ay mas moderno pa at mas hi-tech.

Kung maalala bago pa man pumasok sa politika noong taong 1982, si Sotto ay isang entertainer at musician.

Siya ang composer sa awiting “Magkaisa” na nagsilbing isa rin sa mga anthems noong 1986 People Power Revolution.

Samantala, isiniwalat din ng dating Senate president na maaari na rin siyang mag-concentrate sa isang korporasyon kung saan siya ay miyembro.

Posible rin daw na pumayag na rin siya na maging chairman ng naturang kompaniya kung ihahalal siya.

Tumanggi naman siyang sabihin kung anong korporasyon ito.