-- Advertisements --
Tinanggihan ng Ministry of Interior ng Timor-Leste ang hiling na political asylum ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Timor-Leste na naghain ng application for political asylum si Teves na kasalukuyang nasa Dili.
Binigyan ng Timor-Leste si Teves ng limang araw para lisanin ang kanilang bansa.
Binigyan din siya ng tsansa na makapaghain ng apila para mairekonsidera ang kaniyang aplikasyon ng political asylum.
Mula ng lumabas na siya umano ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay governor Roel Degamo ay hindi pa bumabalik sa bansa ang nasabing opisyal.