-- Advertisements --

Dumating na si Timor-Leste President Jose Ramos-Horta sa bansa.

Ang kanyang pagbisita ay upang isulong ang relasyon sa Pilipinas ng nag-iisang bansa sa Southeast Asia na hindi pa rin bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa kanyang pagdating, nagkaroon ng welcome ceremony na pinangunahan ni Philippine Ambassador to Timor-Leste Belinda Ante at Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager Manuel Gonzales.

Nakatakdang makipagpulong ang pangulo ng Timor-Leste kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacanañg, kung saan tatalakayin nila ang mga larangan ng pagtutulungan sa technical, political, educational and economic partnerships, sa Biyernes, Nobyembre 10.

Matatandaan na sa isang bilateral meeting noong Mayo sa Indonesia sa sideline ng ASEAN Summit, kung saan may observer status ang Timor-Leste, ipinahayag ni Marcos ang suporta ng Maynila para sa Timor-Leste sa iba’t ibang aspeto.

Una na rito, ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), Department of Science and Technology (DOST), at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay dadalo sa mga aktibidad ni Horta pakikipag-ugnayan sa bansa.