Kinuwestiyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang timing nang deliberasyon sa proposed amendments sa 1987 Constitution,
Ginawa ni Defensor ang naturang pahayag kasunod bago ang pulong ng House Committee on Constitutional Amendments para talakayin ang proposed amendments sa anila’y “restrictive” economic provisions ng Saligang Batas, na itinutulak mismo ni Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Defensor na maari lamang magdulot nang pagkahati-hati hindi lamang sa Kongreso kundi maging sa sambayanang Pilipino ang usapin hinggil sa Charter Change (Cha-cha).
Ayon kay Defensor, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang pag-amiyenda sa Saligang Batas, lalo pa at nahaharap pa rin ang bansa sa mga problemang dulot ng pandemya.
Marami pa aniyang kailangan na gawin ngayong taon upang matugunan ang mga problemang ito.
Nakapaloob sa Resolution of Both Houses No. 2 ni Velasco ang proposed amendments sa aniya’y “restrictive” economic provisions ng Saligang Batas.
Isinisingit ng panukalang ito ang katagang “unless otherwise provided bu law” sa constitional privisions sa national patrimony at economy, ducation, science and technology, arts, culture, at sports; at sa general provisions na nagpapahintulot sa Kongreso na mag-apruba nang mga batas na makakapagpaluwag nang ekonomiya para sa mga foreign investors.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin Jr., ang maliit na pagbabago na ito sa language ng Saligang Batas ay sinasabing makakapagpabuti sa investment climate sa bansa, na kailangan para matugunan ang pagbagsak ng ekonomiya bunsod ng pandemya.










