-- Advertisements --

Itinuturing ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na isang karangalan ang maglaro sa Christmas Day game ng PBA.

Makakaharap kasi nila ang TNT Tropang Giga sa laro na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Sinabi nito na hindi niya lubos maisip na makapaglaro ngayong Christmas Day kaya isang malaking karangalan ang mapili na maglaro.

Itinuturing din nito na gaya sa NBA ay malaking karangalan sa bawat koponan ang makapaglaro.