Pormal ng itinalaga ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si Tim Cone bilang permanenteng head coach ng Gilas Pilipinas.
Sinabi ni SBP president Al Panlilio, nakikita nila na kayang ipatupad ni Cone ang mga pang matagalang programa ng Gilas Pilipinas.
Kasama ni Cone bilang team manager s Richard del Rosario.
Pinili naman ni Cone ang ilang manlalaro na sasabak sa Asia Cup Qualifiers sa darating na Pebrero 22 na ito ay kinabibilangan nina Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Jamie Malonzo, June Mar Fajardo, wight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, Kai Sotto at Kevin Quiambao.
Mananatiling prioridad pa rin ng SBP si Justin Brownlee para sa naturalized player depende sa International Basketball Federation.
Masusubok din ang galing ni Cone sa ilang mga torneo kung saan sasabak ang Gilas gaya sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments sa Hulyo at ang second window ng Asia Cup qualifiers sa Nobyembre.