Nanawagan ang Malacanang sa mga kritiko na tantanan na ang pagbatikos sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, dapat magsilbi nang leksyon sa mga kritiko ang resulta ng mga survey kung saan lumalabas parati na mayorya ng mga Pilipino ang kontento sa anti-drug war ng administrasyon.
Kaya dapat aniya ay tigilan na ang pamumulitika sa kampanyang ito at sa halip, tignan na lang ng mga kritiko kung ano ang ikinaganda ng buhay ng mga Pilipino dahil sa war on drugs.
Dagdag din ng kalihim, hindi dapat iniimbestigahan ang anti-drug campaign dahil lumalabas na tiwala ang mga Pilipino dito.
“We ask the critics of the President to learn from the results of the survey, engage with the people and embrace the sweeping tide of change that has swept the nation. This is a call to all the opposition to finally stop politicizing this campaign, and instead, look at how the anti-drug war has made the people’s lives better,” ani Sec. Andanar.