-- Advertisements --
Sinuspinde pansamantala ng mga mangingisda sa Binangonan, Rizal ang kanilang fishing operations.
Ayon sa grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA, ang “tigil-palaot” ng kanilang mga miyembro ay para iprotesta ang big time increase sa presyo ng langis ngayong araw.
Sinabi ng grupo na 80% ng kanilang fishing production ngayon ay napupunta na lamang sa pagbili ng langis na kailangan nila sa kanilang pagpunta sa laot.
Dahil wala na halos silang kinikita, baon na rin sila sa ngayon sa utang.
Mababatid na sa ika-11 magkasunod na linggo, muli na namang tumaas ngayong araw ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang diesel ay tumaas ng P13.5 ang kada litro, P7.10 para sa gasolina, at P10.50 naman para sa kerosene.