Desidido si reigning Masters champion Tiger Woods sa paglalaro sa US PGA Tour event.

Ito ang magiging unang pagkakataon na makakapaglaro si Woods mula pa noong Pebrero.

Sa kaniyang social media, inanunsiyo ng 44-anyos na US legend ang paglalaro niya sa Memorial Tournament sa susunod na linggo na magiging host dito si Jack Nicklaus sa Ohio.

Hindi nito maitago ang kaniyang kasabikan sa paglalaro.

Itinuturing din niya ang paglalaro sa Memorial Tournament bilang paghahanda sa PGA Championship na gaganapin sa Harding Park, San Francisco mula Agosto 6-9.
Sa nasabing torneo ay pagbabawalan ang mga audience na manood dahil pa rin sa mahigpit na protocol na ipinapatupad sa Ohio.

Noong nakaraang Mayo ay hindi naglaro ang world ranked 14 golfer sa WGC Mexico at Players Championship dahil sa pananakit ng likod.