-- Advertisements --
Kasama na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.
Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billioinaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.
Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan ay galing sa mga larong sinalihan at ang iba ay mula sa mga endorsement nito ng iba’t-ibang brand.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naaksidente ang 46-anyos na US golf star habang ito ay patungo sa isang golf tournament sa California.
Dahil dito ay pangatlo na si Woods sa atleta ng US na nasa billionaires list na una ay si NBA legend Michael Jordan.