-- Advertisements --
tiger woods round 2 masters live blog

Opisyal nang inanunsyo ng kampo ni celebrity golfer Tiger Woods na hindi siya makakapaglaro sa  The Masters Tournament,   dahil sa injury sa kanyang paa.

Ayon sa 47 anyos na golfer, ang injury sa kanyang paa ay bahagi pa rin ng naging epekto ng car crash na una niyang kinasangkutan noong 2021.

Bagaman nalulungkot si Woods, nagdesisyon umano ang kanyang mga doktor na hindi siya paglaruin dahil lalo lang madaragdagan ang sakit na kanyang mararamdaman sa kanyang talampakan kung sasabak pa siya sa nasabing torneyo.

Ang The Masters ay isa sa mga pangunahing golfing championship competition sa buong mundo na sinasalihan ng mga professional golfers katulad ni Woods.

Si Woods ang isa sa mga most decorated golfer sa The Masters Tournament dahil sa dami nitong naipanalong kampeonato dito, simula noong 1997, kung kelan niya naipanalo ang pinakaunang kampeonato.