CLEVELAND – Nagtapos na may 22 points si Dennis Schroder, tumipa ng 20 si Shai Gilegous-Alexander at tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Cleveland Cavaliers, 121-106.

Nagdagdag ng 19 points si Danilo Gallinari, kabilang na ang nagawang limang 3-pointers, at kumubra naman ng 16 rebounds si Steven Adams para sa Thunder, na mayroon nang limang magkakasunod na panalo.

Samantala, kumamada ng 30 points si Collin Sexton at may 12 naman si Kevin Love para sa Cavaliers.

Sa ngayon, mayroon nang tatlong magkakasunod na talo ang Cleveland.