Tuloy-tuloy ang pagtuklas ng bagong kaalaman dahil kahit nasa Facebook ka ay pwedeng matuto nang libre sa tulong ng bagong community group ng Globe na “This isKwela.”
Sa “This isKwela,” hindi lamang ang mga estudyante ang makikinabang.
Kahit mga professionals na kailangan ng impormasyon para sa kanilang mga trabaho at propesyon ay matutulungan.
Layunin ng This isKwela community page na pagyamanin pa ang kaalaman ng karamihan.
Maging ang mga nakatatanda na nais magamay ang online learning ay siguradong makakukuha ng tips sa mga kaklase nila sa virtual classroom.
“Bata o matanda, nag-aaral man o hindi, basta gustong matuto, lahat pwedeng sumali sa This isKwela. Sa pamamagitan ng programang ito, nasisiguro ng Globe na ang edukasyon ay abot-kamay — nasa isang click lang — ng bawat Pilipino,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications ng Globe.
Sa This isKwela, maaari ring makabuo ng mga bagong koneksiyon at makakilala ng mga bagong kaibigan para sa sharing ng mga karanasan at kaalaman habang patuloy ang quarantine restrictions dahil sa pandemya.
Nasa Facebook group din ang mga professionals na handang sumagot sa iba’t ibang mga katanungan.
Lagi raw present ang mga group experts tulad ng language teachers na sina Angelo Sicat, na siyang nasa likod ng mga practical at easy-to-digest English language lessons sa Tiktok at Teacher Maureen Madiano na nagtuturo din ng English at Filipino sa iba’t-ibang social media platforms.
Kung hirap naman sa math at science, handang tumulong si Teacher Imman Maglasang at Teacher Ceppee Romeral.
Tiyak na maraming matututunang math hacks kay Teacher Ceppee na nagshe-share ng review tips sa mga kumukuha ng Licensure Examination for Teachers.
Si Teacher Imman naman ay matagal na ring nagbibigay ng physics at general science lessons sa kanyang online channel na Science Kwela.
Naniniwala ang Globe na ang This isKwela ay napapanahon dahil sa mas marami na ang nag-aaral online at gumagamit ng social media.
Ang programa ay bahagi ng GoLearn, isang inisyatibo ng Globe para matulungan ang mga Pilipinong makamit ang dekalidad na edukasyon ngayong ika-21 siglo.
Para sa mga nais palawigin ang kaalaman, sumali na sa This isKwela at bumisita sa https://www.facebook.com/groups/thisiskwela/?ref=share.
Sinusuportahan ng Globe and United Nations Sustainable Development Goals, kabilang ang UN SDG No. 4 na naglalayon ng dekalidad at pangkalahatang edukasyon at nagsusulong ng pangmatagalang oportunidad na patuloy na matuto ang lahat ng mamamayan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bumisita sa www.globe.com.ph.