Nagbabala si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa posibilidad na mas lalo pang paglala ng coronavirus pandemic.
Sa isang sulat na pinadala nito, sinabi ng prime minister na maaari silang magpatupad ng mas mahigpit na restrictions kung kinakailangan.
“We will not hesitate to go further if that is what the scientific and medical advice tells us we must do,” saad ni Johnson sa liham.
“It’s important for me to level with you – we know things will get worse before they get better. But we are making the right preparations, and the more we all follow the rules, the fewer lives will be lost and the sooner life can return to normal.”
Kasalukuyang naka-self isolate si Johnson matapos nitong magpositibo sa COVID-19.
Makatatanggap naman ang mga Briton ng leaflet na naglalaman ng mga ipatutupad na patakaran ng gobyerno hinggil sa pag-alis ng bahay at health information.
Ito’y matapos ang kabi-kabilang kritisismo na natanggap ng British government dahil sa hindi malinaw na mga patakaran.
Pumalo na sa 17,089 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa UK habang 1,019 na ang naitalang patay.










