Kinilala ng Guinness World Record ang singer na si The Weeknd o si Abel Makkonen Tesfaye bilang “world’s most popular artist” on the planet.
Ayon sa Guinness na ang 33-anyos na Canadian singer ay kakaiba ang kasikatan at walang ibang makakahigit pa sa kaniya.
Tanging ang namayapang king of pop na si Michael Jackson ang nakakuha rin ng nasabing pagkilala.
Ilan kasi sa mga record na natamo ng singer na si The Weeknd ay ang pagkakaroon ng niya ng 111.4 milyon na monthly listeners sa Spotify at ang unang artist na nakapagtala ng 100 milyon monthly listeners sa Spotify.
Unang nakamit nito ang Guinness World Records noong 2016 na ito ay bilang ‘most stream album on Spotify” at most consecutive weeks sa Top 10 Billboard’s Hot 100 by a solo artist.
Sa kasalukuyan ay mayroon itong halos 30 milyon na monthly listeners habang nasa pangalawang puwesto si Miley Cyrus.
Ang pinakahuling kanta nito na “Blinding Lights” mula sa kaniyang ikaapat na album ay nananatili sa top music streaming app na mayroong mahigit 3.4 bilyon streams.