Reading Time: 1 minute

Official husband and wife na si Dwayne “The Rock” Johnson at kanyang longtime girlfriend na si Lauren Hashian.

Mismong ang 47-year-old actor ang nag-anunsyo sa aniya’y secret wedding nila ng girlfriend of 12 years na isinagawa nitong weekend sa Hawaii.

The Rock
“We do. August 18th, 2019. Hawaii. Pomaika’i (blessed.) caption ng retired professional wrestler sa kanilang wedding photo.

Taong 2006 nang magkakilala ang dalawa sa gitna ng taping ni “The Rock” sa pelikulang “The Game Plan.”

Mayroon na silang dalawang anak kung saan ang panganay ay isinilang noong 2015, habang ang pangalawa ay noong nakaraang taon lamang. (CNA)