The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated-Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club Applicant nagpasa ng courtesy call schedule kay Ms CYNTHIA TELEZ, Director Of Mission For Migrants Workers. Hong Kong
Na recieve kanina October 22, 2023 ang letter for courtesy call ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ni Ginang Esther Bangcawayan na tumatayong project coordinator ng Migrant Womens Refugee sa kanilang upisina sa Saint John Cathedral, Garden Road-Hong Kong .
Sa pakikipanayaman ni Kuya Mar De Guzman, Club President, sa Project Coordinator napag usapan nila kung ano ano ang dapat itulong sa ating mga kababayan na nasa kanilang pangangalaga. At nangako si Ginang Bangcawayan na kanilang ibibigay ang listahan ng mga kailangan isuporta sa ating mga kababayan pagkatapos pag usapan ito ng kanilang mga kasama.
Ang mga kababayan nating ito na nasa Shelter kung tawagin ay sila ang mga may kaso ng pang aabuso ng kanilang mga amo na gaya na lang ng Hindi tamang pagpapasahod at pagpapakain, Mga dumanas ng Physical at Physological Abuse na kasambahay sa kanilang amo.
Hindi pagbibigay ng tamang sahod, hindi tamang tulogan at pahingahan sa loob ng bahay ng kanilang amo na hangang ngayon ay pending pa sa Trial Court of Hong Kong at Labor Department.
Ayon pa kay Ginang Bangcawayan sa pamamagitan ng Migrant Womens Refugee ay napapakain nila ang ating mga kababayan pero ang mga personal na pangangailangan ay sadyang dapat masuportahan at doon papasok ang Humanitarian Service ng Philippine Eagles para sila ay tulongan ayon kay Kuya Mar
Naipabatid din ni Kuya Mar na ang adhikain ng Philippine Eagles ay Humanitarian Service at walang pinipiling tulongan ang kanilang Institutusyon kahit anopaman ang iyong Relihiyon, Estado sa Buhay, Political Beliefs, Ethnic Group at Nature of Work ay tinutulongan sa abot lamang ng kanilang kakayahan.
Sa kabilang band, minungkahe din nya na ang Philippine Eagles kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikante o kababayan nating may malinis na puso para maglingkod sa kapwa tao at ina alis ang mga aplikante na mapatunayang hindi karapat dapat maging Pinoy na Agila na maglingkod at ang hangad ay kasikatan sa kapwa tao at personal na interest lamang sa sariling katanyagan. Nagsubmit na din siya ng mga Pangalan sa National na hindi dapat makasama sa adhikain ng Intitution The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles Incorporated na kanyang papangalan sa mga susunod na araw para sa kapakanan ng karamihan.
Bombo Report News
Marlon Pantat De Guzman
Bombo International Correspondent- Hong Kong