-- Advertisements --

Nasa 30 mula sa tinatayang 30,000 mga Pilipino sa Thailand ang nagka-COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes na 27 sa mga ito ay gumaling na, dalawa na lamang ang aktibong kaso at isa ang nasawi ngayong Hulyo.

Ayon kay Amb. Paredes, ipinagpapasalamat nila na kahit tumataas ang kaso ng Delta variant sa Thailand, konting mga Pilipino lamang ang nagkaroon ng COVID-19.

Nasa ikatlong wave na aniya sila ng COVID-19 cases, sa katunayan ngayong Hulyo ay naitala sa higit 8,000 ang mga kaso ng COVID-19.

Pero ngayong araw lamang aniya ay naitala nila ang 9,600 na kaso, karamihan dito o 69% ay pawang Delta variant.

Dahil dito, muli aniyang naghihigpit ngayon ng mga biyahe, lalo na pagkagaling ng Bangkok kung saan nagmula ang bagong variant.

Inihayag ni Paredes, nagsimula ang bagong variant sa dalawang high-end bars sa Bangkok na kumalat sa mga probinsiya ng Thailand.