-- Advertisements --

Sinabi ng Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, na maaaring umabot sa P13 hanggang P15 kada litro ang bawas para sa diesel at P1 hanggang P2 naman sa gasolina.

Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, bumaba ang Mean of Platts Singapore (MOPS), indikasyon ng posibleng paggalaw pababa ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Umaasa naman ang DOE na kung magpapatuloy ang pag-stabilize ng pandaigdigang presyo, maaaring makaranas pa ng big time oil price rollback ang bansa.

Samantala, pinag-aaralan pa rin ng Marcos administration ang posibleng pagsuspinde ng excise tax sa diesel at gasolina, kasunod ng naunang hakbang na pagtanggal ng buwis sa LPG at kerosene.
Ayon sa Department of Finance (DOF), hinihintay pa nila ang pormal na executive order bago maipatupad ang mga implementing rules.

Liban dito, ayon sa DOE sapat ang suplay ng langis sa bansa, na umaabot sa 51-araw na inventory, kaya’t walang agarang kakulangan sa petrolyo sa ngayon.

Bukod dito maaaring makakuha ang mga tsuper at opereytor ng jeep at UV Express vans ng P10 kada litrong fuel subsidy sa 52 gasolinahan sa Metro Manila kung saan maaaring umabot sa P30 kada litro ang kabuuang bawas sa presyo ng diesel kapag isasama ang ang inaasahang rollback nextweek.