-- Advertisements --

Nakuha ng Thailand ang pinakamataas na ranking mula sa isinagawang global survey upang tukuyin ang mga bansang may pinaka-epektibong inilatag na hakbang para labanan ang COVID-19 crisis.

Sa isinapublikong Global COVID-19 Index (GCI), nakakuha ng index score na 82.06 dadil sa best practices na ipinapakita nito upang kontrolin ang lalo pang pagkalat ng deadly virus.

Nasa ikalawang pwesto naman ang South Korea na may 81.09 recovery index, ikatlo ang Latvia (80.81), Malaysia (79.37), Taiwan (78.94) at New Zealand (78.55).

Ang Australia na dati ay nasa unahang pwesto, ngayon ay pang-anim na lamang at may 77.18 index score habang ang Pilipinas ay nasa 118th place na may 43.26 recovery index.

Sa unang ranking naman na inilabas noong Hulyo 14, pumangalawa naman ang Thailan sa COVID-19 recovery mula sa 184 na bansa sa buong mundo.

Naka base ang GCI sa 70 percent ng kalkulasyon ng mga datos at daily analysis mula sa iba’t ibang bansa habang ang natitirang 30 percent naman ay manggagaling sa Global Health Security Index, isang assesment ng global health security para sa 195 bansa na inihanda ng Johns Hopkins University.