-- Advertisements --

Naghahanda na ang kaharian ng Thailand para sa gagawing coronation ni King Rama X.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 69 taon na isasagawa sa Mayo 4 hanggang 6 ang makasaysayang okasyon.

Ang nasabing hakbang ay dalawang taon matapos ang pag-angat sa trono ni King Maha Vajiralongkorn mula ng pumanaw ang ama nitong si Bhumibol Adulyadej.

Si Bhumibol ay nagsilbi sa bansa ng mahigit pitong dekada na siyang naging simbolo ng pagkakaisa sa naranasang kaguluhan sa bansa.