CAUAYAN CITY – Nagkampeon ang koponan ng Thailand sa katatapos na 14th Southeast Asian (SEA) Youth Atlethics Championship na ginanap sa Sports Complex sa Ilagan City matapos makapagtala ng 16-8-4 gold-silver-bronze medals.

Pumangalawa ang bansang Vietnam na mayroong 7-9-10.

Sumunod ang Malaysia na may 4-4-2, habang ang Indonesia ay mayroong 4-2-2.

Ang Pilipinas na dating nasa pang-apat ay pumanglima matapos magtala ng 3-7-9.

Inokupahan ng Singapore ang ikaanima na puwesto sa kanilang 2-3-6, habang ang Timor Leste ay mayroong 1-3-1.

Ang 14th Southeast Asian Youth Atlethics Championship ay ginanap noong Marso 1 hanggang 3 sa Ilagan City, Isabela.