-- Advertisements --
Hindi magpapatupad ang Thailand ng COVID-19 test sa mga Chinese travelers na magtutungo sa kanilang bansa.
Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pagpapalakas muli ng turismo ng Thailand.
Ayon kay Thailand Public Health Minister Anutin Charnvirakul na dapat lahat ng mga bansa ay tratuhin ng pantay-pantay.
Paliwanag nito na pagkakataon na nila para mapalago ang kanilang ekonomiya sa pagpasok ng mga dayuhang Chinese.
Magugunitang dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa China ay nagpatupad ng travel restrictions ang maraming bansa sa mga Chinese na bibisita sa kanila.