BAGUIO CITY – Nakapagtala na ng 19 na kumpirmadong kaso ng nCoV sa Thailand na siyang pinakamarami sa labas ng mainland China.

Iniulat sa Bombo Radyo ni Eyryl Palcon, isang Pinay teacher sa Rayong, na preventive measures ang ipinapatupad ngayon sa Thailand.

Sa kabila nito kalmado pa rin ang mga mamamayan doon.

Aniya, may mga nabibili pang mga face masks bagaman naoobserbahan na komokonti na ang suplay dahil mula sa limang pharmacies ay dalawa sa mga ito ang out of stock.

Dinagdag pa ni Palcon na nilimitahan na ng pamahalaan ng Thailand ang dami ng face mask na pwedeng bilhin ng mga tao kung saan bawat kustomer ay pwede lamang makabili ng isang box ng face mask.

-- Advertisement --